Antok

Antok
by Danica Pabalan

Haplos ng isang himig
Darating 'di man ibig
Iligaw man ang titig
Kisame, ding-ding, sahig
Sa kanya rin papanig
Bubuka rin ang bibig
Lalatag din ang banig
At 'pag 'di na kakabig
Tamis ng dating tinig
Maglalaho, lalamig

No comments: