Blanko

Blanko
ni Alkor

Ang tagal namin nagtitigan.

Di na napapansin ang mga taong may pinagkakaabalahan sa paligid. Binabali wala ang oras, minuto, at segundo.

Sagutin mo ako.

Lumingon ako sa kaliwa at inalala ang mga nakaraang araw, ngunit hindi ito naging sapat.

Sagutin mo na ako.

Tumingin ako sa kanan at napaisip. Kakayanin ko kaya ito? Ang tumatak na sagot sa isip ko ay hindi.

Hindi.

Ngunit ayoko mawalan ng pag-asa. Gusto ko man lang masubukan, bago umayaw. Bahala na si batman.

Ilang minuto pang pag-iisip at namulat ako sa katotohanan. Kaya ko ito! Ngunit huli na ang lahat. Kung sinagot ko lang ng mas maaga…

Sa bilang ng tatlo, pinasa ko sa aming propesor ang aking papel na natabunan sa kawalan ng sagot.

No comments: