Desisyon
by Thirdy Lopez
Ang pari’y nagmimisa.
Sa likod ng simbahan at sa gitna ng maraming tao, nakatayo si Luis. Isa siyang construction worker ng LeeWay Industries. Nandito siya upang humingi ng pag-gabay sa Panginoon.
Sabi ng lider ng kanyang unyon, “ Kelangan ipaglaban ang ating mga karapatan.”
Sabi ng kanyang amo sa isang pagtitipon, “ Sinuman ang sumali sa rally ay tatanggalan ng trabaho.”
Patuloy na nag-isip si Luis. Tinimbang ang posibleng pagkasibak at sa kung paano niya susuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Unti-unting nag-alisan ang mga tao at siya’y nagtungo sa Avenida, sa site ng kanyang trabaho. Nakahanda sa napagdesisyunang gagawin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment