Inspirasyon

Inspirasyon
by Joselito A. Pintor II

Maituturing marahil sa isang karagatan
Na tahimik at may angking kagandahan
Ang iyong damdamin at kalooban
Na nakikita sa iyong pakikipagsapalaran

Maikukumpara naman marahil ang iyong kaanyuan
Sa isang kaparangan na may sariling kariktan
Na nagsisilbing liwanag ng aking buhay
At lakas na ako lang ang nagtataglay.

Maiuugnay sa isang paraiso
Ang iyong sarili na inspirasyon ko
bilang manunulat ng tulang ito
na inaalay sa iyo kasama ng pag-ibig ko..

No comments: