Paanyaya

Paanyaya
by Marc Mauhay

Lahat naman tayo'y alam na pahirap ng pahirap ang bansa. Kung mapapansin, lubos na na hawa ang ating kultura ng mga dayuhang nagsipagpunta noong nakaraan. Pero ngayon ko lamang natanong sa aking sarili kung bakit nga ba tayo nagkakaganito. Masasabi pa ba nating may pagkaiisa ang mga tao ng bansa?

Nang ako ay manuod ng TV noong isang gabi, aking napansin na parati na lang naibabalita ang mga pag-aaway at pag-tutol sa gobyerno. Ako'y labis na nalulungkot. Kung maaalala'y nagkaisa ang mga Pilipino upang makamit ang matagal na ipinaglabang kalayaan ng Pilipinas. Pero bakit ngayo'y tayo mismo ay nagkakawatak-watak? Ano ba ang kailangang gawin upang mapag-isa ulit ang mga mamamayan?

Kaya din siguro tayo naghihirap ang bansa ngayon, dahil hindi lahat ng tao'y gumagawa. Kung iiwanan mo ang isang bagay sa kanyang estado ngayon, maaaring maging ganito pa rin ang kinabukasan nito. Sadyang may mga taong pilit na sumisikap na makaraos sa hirap ng buhay ngayon, ngunit sa lubos na pagkahirap ng buhay ngayon, nagiging pasan ng tao ang mundo.
Nagkaroroon ng iba't ibang paningin sa mga klase ng buhay. Di pantay ang lipunan ngayon, di lamang sa Pilipinas ngunit sa ibang bansa man. Ang mahirap ang lubos na naaapi at ang mayayaman ang umaabuso. Ako'y nagiginhawaan na makita na unti-unti ng nawawala ang mga ganitong klase ng tao. May mga taong lumalapit sa ating mga kapatid na kapos-palad. Ako'y nagiginhawaan na may mga taong naniniwala na uunlad pa rin ang bansa. Ako'y isa sa kanila. Kung lahat tayo'y maniniwala na matatawid natin ang suliranin ng bansa, tayo na rin mismo ang gagawa ng daan papunta sa lunas.

Sana'y maibalik natin sa ating puso ang pagkakaisa ng mga taong nagsikap at nagdusang mapalaya ang bansa makalipas ng 112 na taon. Hindi natin makakayang malutas ang problema ng bansa kung iilan lamang ang sumusulong. Kakailanganin natin ang lahat. Walang sinoman ang maiiwan sa ating pagsulong, pagkat ano man ang iyong lugar sa buhay, isa ka pa rin sa amin, mga Pilipino.

112 taong nakalipas nang ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan. Ngayon, muling lalaban ang mga Pilipino, di dahil sa kalupitan ng mga dayuhang mananakop o sa digmaan, ngunit sa kinabukasan natin at sa mga susunod sa atin.

Anong pang hinihintay mo? Sasama ka ba?

No comments: