Pagluha

Pagluha
by Danica Pabalan

Bagyo ulit sa labas
‘Sang balon umaawas
Pader na dati'y ligtas
Sinusubok ang tikas
Patuloy ang paghampas
Ng ulan, di iiwas
Patak ay walang wakas
O, panyo ma'y kumupas

No comments: