Puntahan
by Neil Rojas
Hindi maiwasan. Daraanan ng paningin ng lubos ang bawat anino ng mga puno at halimuyak ng mga bulaklak sa parke patungo sa bahay ninyo. Naglalakad hawak ang iyong kamay katabi ang ngiting hindi humuhupa. Naaalala ang isang libong beses na binahagi ang ating mga pangarap sa bawat dahon na natatapakan. Nililipad ng hangin ngunit parang tupa ay bumabalik sa parkeng natatakan ng nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan natin. Malapit na ako sa bahay ninyo kung saan laging naiiwan ang puso ko. Hawak ang bulaklak, liningon ko ang naglalahong dinaanan ko. Malapit na sa pintuan ninyo. Makikita na kita sa huling pagkakataon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment