Puso

Puso
by Corwin Uy

Puso ang ginagamit sa pagmamahal,
Ipinagkaloob ng Poong-Maykapal
Minsan ito’y tumitibok ng mabagal
Ngunit mawala ang pag-ibig ay kay tagal

Upang ang ating nga buhay ay sumaya
Kailangang magmahalan ang bawat isa
Mga away-away ‘wag hayaang lumala
At sama ng loob ay kalimutan na

Sakit at hapdi na dulot ng mga puso,
Dahil sa pagmamahal minsan ay bigo
Hindi tayo dapat na sumusuko
Sa halip kailangang matuto’t magbago

Oo tayo ay lubhang maramdamin
Gagawin lahat para sa mga mithiin
Ang mga pag-iingat dapat sikapin
Sa pagmamahal puso’t isip gamitin

No comments: