Sa Bayang Ito

Sa Bayang Ito
by Cris Akol

Sa bayang ito, maraming tao
Sa malalaking bahay, maraming gago
Merong amo, merong payaso
Walang nakikinig, pero bato lang ng bato

Sa bayang ito, malalawak ang bakuran
Ang mga halaman marami ng napagdaanan
Ngunit tila ang hardinero, eh di pa nababayaran
Kaya't ganyan nalang ang pag hanap ng ibang paraan

Sa bayang ito, maraming mga bata
Mainam mag-isip at may ugaling matanda
Subalit ang mga magulang ay mukang hindi pa handa
Sa uri ng mga batang, mainam mag taya

Sa bayang ito, maraming mga aso
May asong tanga, at asong bobo
Puro kain lamang ang alam at gusto
Sa amo eh tila wala nang serbisyong totoo

Sa bayang ito, maraming tao
Sa malalaking bahay, maraming politiko
Merong amo, merong payaso
Walang nakikinig pero bato lang ng bato

No comments: