Tama Na!

Tama Na!
ni Joselito A. Pintor II

Tama Na!!!!
Mabagal ang pagpatak
ng mga luhang
babad sa gunita

Hindi na makayanan
ng pangangatawan
ang mga pasakit at lumbay
na bunga
ng di matapos na paggunita

Sawa na ang birang
sa pagpahid
sa mga matatanglaw na luha

Suko na ang Impo
sa buong araw
na pagkaligkig
sa mga kwentong
hindi alam ang patutunguhan.

Kaya dapat isaisip na
ang nagdaan ay
mananatiling nakalipas na
at di na mababalikan pa.

Kaya ituloy ang kasaysayan
na may ngiti at sigla
at hayaang mabuhayan
sa darating na magandang umaga.

No comments: