Walang Saysay
ni Joselito A. Pintor II
Wala ka na bang magawa
Kundi umiyak at magdrama?
Sinabi mo na nga diba,
Na titigilan mo na siya
Ngunit patuloy ka pa rin sa pagsusumamo
Na ikaw ay balikan niya.
Nabubuhay ka na lang ba
Sa pag-ibig niyong natapos na?
Kung gayo’y, bakit ayaw mong kalimutan
Ang dati na hindi na puwedeng balik-balikan
Hindi ka na ba mabubuhay
Kung wala siya sa buhay mo?
At kung kaya mo pala,
Bakit patuloy mo pa ring ginagawa?
Desperrada ka ba?
O baka, babad ka lang sa gunita?
Pakisabi sa akin ang sagot
Kasi ako’y naguguluhan at natataranta.
Wag mo ring isama
Ang mga kakilala niya sa drama
May magagawa ba sila kung ayaw niya talaga
Hindi nila alam ang parte niya sa istorya
Dahil and pagmamahal ay matagal nang nawala
Itigil mo na dahil wala kang mapapala.
At kung ika’y layuan niya
Ikaw ay wag magalala
Dahil baka nasa tabi-tabi lang
And lalaking hinahanap mo
Na magmamahal sa iyo ng tunay at totoo.
Kaya muling buksan ang mga mata ng iyong puso
At saka tignan ang mga taong nakapaligid sa inyo
Dahil kung iyong pakikiramdaman
May mga taong mas higit pa sa kanya
Ang higit na nagmamahal sa iyo.
Na pag kapiling mo siya
Talagang masasabi mo na,
“Love really is in the air, ONCE AGAIN.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment